Sunday, April 26, 2020

BALUKTOT NA INTERPRETASYON

Ni Philip M. Lustre Jr.
(Pambungad na salita: Hindi ako magaling sa Bibliya. Mas lalong hindi ako nagmamagaling. Tulad ng ibang Cristiano, hinanap ko ang kasagutan sa ilang katanungan at agam-agam sa aking damdamin. Tama ba na suportahan ng isang Cristiano ang giyera kontra ilegal na droga at ang mga walang katapusang patayan ng mga pinaghinaaalang adik at tagatulak ng droga? Hinanap ko ang sagot. Isa si Pastor Richard Benitez ang nagbigay ng kasagutan na ikatutuwa ng aking puso at damdamin. Pakibasa na lang.)
HINDI ako komportable sa pagsuporta ng ilang alagad ng Simbahang Catolico at pastor ng mga grupong Cristiano sa maramihang pagpaslang ng mga adik at pinaghinalaang tagatulak ng ilegal na droga Hindi ako makapaniwala sa kanilang paninindigan na sumusuporta sa bigong digmaan kontra droga ng gobyernong Duterte.
Magkasalungat ang mga aral ng Simbahang Catolico at mga grupong Cristiano sa bigong giyera kontra droga. Itinuturo ng Simbahang Katoliko at grupong Cristiano ang pagmamahal sa kapwa at pagbibigay suporta at tulong sa mga kapus-palad. Hhindi tugma ang mga aral at doktrina sa malawakang pagpatay sa mga pinaghihinalaang adik at tagatulak ng droga. Hindi magkatugma ang mahalin ang kapwa habang may pinupuksa ang mga tao na ang tanging batayan ay pinaghihinalaang silang sangkot sa ilegal na droga. Hindi ako pumapayag na patayin na mistulang mga manok at baboy batay lamang sa hinala.
Tinanong ko si Richard Benitez, isang pastor ng Gospel of Grace Baptist Church tungkol sa paninindigan ng mga konserbatibong alagad ng Simbahan at grupong Cristiano sa giyera kontra droga. Tahasan niyang sinabi na umuugat ang suliranin sa baluktot ng interpretasyon ng Bibliya. Nababatay sa Bibliya ang maraming aral ng mga grupong Kristiyano. Ito ang dahilan kaya tinagurian silang Christian fundamentalist.
Ayon kay Pastor Richard, umuugat ng isyu sa Romans 13:1-7 na may talata tungkol sa katapatan ng mga nasasakupan at mga umuugit ng pamahalaan. Ito ang sabi ng Bibliya:
13 Let every person be subject to the governing authorities. For there is no authority except from God, and those that exist have been instituted by God. 2 Therefore whoever resists the authorities resists what God has appointed, and those who resist will incur judgment. 3 For rulers are not a terror to good conduct, but to bad. Would you have no fear of the one who is in authority? Then do what is good, and you will receive his approval, 4 for he is God's servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for he does not bear the sword in vain. For he is the servant of God, an avenger who carries out God's wrath on the wrongdoer. 5 Therefore one must be in subjection, not only to avoid God's wrath but also for the sake of conscience. 6 For because of this you also pay taxes, for the authorities are ministers of God, attending to this very thing. 7 Pay to all what is owed to them: taxes to whom taxes are owed, revenue to whom revenue is owed, respect to whom respect is owed, honor to whom honor is owed.
Mukhang literal ang unawa ng mga ilang Catolico at Cristiano sa mga nabanggit ng berso ng Bbliya, ani Pastor Richard. May konteksto itong mga berso ng Bibliya, aniya. Hindi ito maaaring lubos-lubusang tanggapin at sundin ng sinumang Catolico at Cristiano. Hindi ito nangangahulugan na pagsunod sa mga lider ng isang pamahalaan na mapang-api at abusado. Hindi ito berso para sundin ang mga gobyerno na kumikitil sa mismong mga mamamayan.
Ipinaliwanag ni Pastor Richard na ang awtoridad ay hindi ang mga Romano kundi ang mga taong simbahan (o sinagoga) na pinagkanlungan ng mga naunang Cristiano at Hudyo. Sang-ayon sa pastor, iminungkahi ni Pablo, ang alagad n Hesukristo na sumulat ng berso, na sumunod sa batas ng Hudyo ang mga naunang Cristiano at Hudyo kahit na nasa Roma sila. Magkaiba ang batas ng Hudyo at batas ng mga Romano. Itinuturing ang batas ng Husyo na mas mataas sapagkat kinilala ito bilang batas na mula sa langit at sugo ng Dios ang mga alagad ng simbahan at sinagoga.
Isa itong bagay na hindi nauunawan ng mga alagad ng Simbahang Catolico at mga pastor ng iba’t-ibang Christian ministry. Ang buong akala nila nila ay marapat sumang-ayon sa isang gobyernong mapaniil. Ginawa pa nilang basehan ang mga talata sa pikit-matang pagsunod sa gobyerno ni Rodrigo Duterte at pagsang-ayon at suporta sa walang habas na patayan sa ilalim ng bigong giyera kontra droga.
Para kay Pastor Richard Benitez, walang basehan sa Bibliya ang pagsuporta sa giyera kontra ilegal na droga. Marapat lamang itakwil at kondenahin ang bigong giyera na nagduot lamang ng kasawian sa maraming magulang, kaanak, at kaibigan ng mga biktima.
Ayon kay Cesar Evangelista Buendia, isang kaibigan at kapwa netizen: “Show me a Christian, who in spite of knowing Duterte is a killer, still supports him and I’ll show you a fake Christian.” 

1 comment:

  1. Ayon kay Cesar Evangelista Buendia, isang kaibigan at kapwa netizen: “Show me a Christian, who in spite of knowing Duterte is a killer, still supports him and I’ll show you a fake Christian.”

    ReplyDelete