Monday, August 3, 2020

HINDI BA BANSA TAYO NG MGA BASAG ANG PULA?


By Philip M. Lustre Jr. 

            “Isang laksang bugok, isang laksang bugok
            Laksa laksang Pinoy na basag ang pula.”
            “Isang laksang bugok, isang laksang bugok
            “Isang laksang mga anak ng puta.”

-         “Una’t Huling Pasyon” ni Rio Alma

1.       May presidente tayo na nagmungkahi na upang malinis at magamit muli ang face mask, ibabad ito sa diesel o gasolina;

2.      May opisyal ng PNP na nagsabing gamitin ang mga chismoso at chismosa sa contact tracing;

3.      May presidential legal adviser na nagpayo sa pangulo na magdekla ng martial law dahil maituturing na paglusob ng kaaway ang pagdating ng coronavirus sa bansa;

4.      May kongresista na nagsabing magsagawa ng takeover sa ABS-CBN kahit walang judicial order;

5.      May presidential spokesman na hindi makapagbigay ng anumang batayan sa pahayag na “milyon-milyon ang magkakasakit ng Covid-19 kung hindi nagdeklara ng lockdown.”

6.      May national security adviser na nagsabing mas mabuting tumahimik na lang ang mga kritiko sapagkat maaaring may mangyaring hndi maganda sa kanila sa ilalim ng batong Anti-Terror Law;

7.      May DILG undersecretary na nagmungkahing hiyain (shame campaign) ang sinuman nilalang na hindi susunod sa mga alituntunin ng kuwarantina;

8.      May health secretary na nagpahayag na hindi na umakyat ang kurba (flattened the curve) kaht na patuloy na tumataas ang bilang ng mga mamamayan na kinapitan ng China-Duterte virus;

9.      May kongresista na may anak na bakla ang nagpahayag na hindi siya kumporme sa paninindigan ng kanyang ama sa pagpapasara ng ABS-CBN, ngunit wala siyang magawa sapagkat magkaiba sila;

10.   Mayroon DILG secretary na nagsabing pupunta ang mga pulis sa bawat bahay upang alamin ang may sintomas ng mapinsalang virus at puwersahang dadalhin sila sa mga quarantine center.

No comments:

Post a Comment